Sunday, April 18, 2010

HAHAHAHAHAHA!!!! Alin KA jan???

Mr. Gwapings

mayaman, gwapo, kilala at higit sa lahat may wheels. mataas ang confidence nya na di sya mababasted kaya pag nabasted maaapektuhan ng husto ang kanyang EGO. at take note, malas mo kung may sour grape attitude pa yan. pwede nyang sabihin “sus kala mo kung sinong maganda eh pinagtyatyagaan ko lang naman sya. pweh!”

Mr. Quickie

ang type ng manliligaw na kada magkikita kayo e wala nang alam sabihin kundi “kelan mo ba ko sasagutin?” o kaya “i love you na, ako ba hindi mo pa love?” kahit na isang linggo pa lang naman syang pumoporma. kung baga dinadaan nya sa pangungulit para mabilis ang pagsagot mo.

Mr. Everything

linya nya ang “sagutin mo lang ako, ibibigay ko sayo lahat, lahat ng magugustuhan mo. kahit pa ang buwan o kaya mundo.” gaga ka pag nagpauto ka. dahil pag sinagot mo na yan, makakalimutan na nya ang linyang yan!

Mr. Stalker

eto yung type ng manliligaw na pag nagkahiwalay kayo e sisimulan ka sa tanong na “kumain ka na ba?” pagkasagot mo susundan pa nya ulit ng tanong “nasan ka ngayon?” “sinong kasama mo?” “anong ginagawa mo?” at kung anu-ano pa. basta tungkol sa daily activities mo kailangan malaman nya, pero ang nakakatakot na parte dyan eh yung kahit hindi mo sagutin ang mga tanong nya na iyon ay nalalaman pa din nya, mukhang may matinding “source” ang gago na pinagkukunan ng impormasyon tungkol sa’yo kaya nasusundan ka na nya kahit saan ka magpunta, kadalasan humahantong ang tagpong ito sa rape dahil hindi na nya talaga mapigilan ang nararamdaman nyang nag-aalab!! kaya mag-ingat ka sa mga pinagkakatiwalaan, baka kasi ilaglag ka ng mga kakilala mo di’ba? at mabigyan nila ng impormasyon tungkol sa’yo ang damuhong lalake na yon, di mo na kasi masasabi sa panahon ngayon kung sino talaga ang kakampi mo, ANG DAMING PLASTIK SA PANAHONG ITO!!

Sino nga ba ang mga taong posible mong pagbintangan?? pwedeng kapit-bahay mo, kaibigan mo, mga AMIGA at kalaro ng nanay mo sa mahjong, ka-tong-itsan mo, tindero ng mais sa tapat ng bahay nyo, mailman na palaging nagbibigay ng mga sulat galing sa “stalker” mo pero lingid sa kaalaman mo s’ya na pala si mr. Stalker, tindero ng balot (pero sya na pala yon! haha!), ahente ng meralco na madalas maningil kahit nakapagbayad ka na, yung palaging sumisigaw sa tapat ng bahay nyo tuwing umaga at hapon nang “NAGAWA NG PAYONG… NAGAWA NG PAYONG..” ABA MAS MATAKOT KA KUNG ANG SINISIGAW NYA… “NAGAWA NG BATA… NAGAWA NG BATA!!”, minsan mga close friends mo pa, at maging ang mga magulang mo kung boto sila sa damuhong lalake na yan at kahit i-istalk ka pa ng WALANGYA eh ayos lang sa kanila Malay nila at Pake ba nila “MA at PA” nga talaga sila, well “LITERALLY” haha! at wala silang kibo basta may pasalubong lagi para sa kanila na hopiang munggo ATBP., pwede ring mga tambay, ka-chat, ka-text, ka-bluetoothan, kamag-anak, pinsan, pamangkin, kinakapatid, inaanak, kumare, kumpare, ninong, ninang, bayaw, biyenan, bilas, tiyuhin, tiyahin, lolo, lola, lelong, lelang, apo, apo sa tuhod, apo sa talampakan, apo sa alak-alakan, ate, kuya, yaya, maid, cook, tubero pls. call 843-82-31.

Mr. Take it or Leave it

pag binasted mo ang ganitong type ng manliligaw, asahan mo bukas may nililigawan na sya ulit. at eto pa, hinding hindi ka nya papansinin. period.

Mr. Salesman

dadaanin ka sa matatamis na salita. parang si Mr. Everything din kaya lang mas
matindi sya mang-uto. KUNG BINEBENTAHAN KA NG BAHAY AT LUPA NYAN MALAMANG BUMILI KA NG LIMA “KAHIT BA NASA PASO PA EH” DAHIL SA GALING NYA SA “SALESTALK” puro bola nga ang gagawin ng tarantadong yan sa’yo.. yun bang tipong “ang ganda ganda talaga ng mga mata mo..” KAHIT DULENG KA NAMAN!! o kaya “ang lambot ng mga kamay mo, anong lotion ang gamit mo?” kahit yung kamay mo parang paa!! TAPOS BEBENTAHAN KA LANG PALA TALAGA NG LOTION ANO?? BWISET!! Eto ang grabe.. “KUNG MASAMA ANG MAHALIN KA.. MAGPAPAKASAMA AKO!!” HAHAHAHA!!! at iba pang pang-uuto mapasagot ka lang ng OO. HAHA!!!

Mr. Good Dog

eto ang nakakatuwang manliligaw. kase payag syang magpaalipin. taga-bitbit ng bag mo o kahit ng mga kaibigan mo. kahit magmuka syang buntot sa tuwing may gala kayo ng mga barkada mo. nagpapakitang gilas kung baga. pero pag sinagot mo na, for sure gaganti yan!! hala ka!!

Mr. Anonymous

motto nya ang “action speaks louder than words”. wala kang kaalam-alam na nanliligaw na pala. kaya pala ang bait-bait sayo. e akala mo mabait lang talaga. haha

Mr. Second Chance

sya ang pinakamasugid mong manliligaw. kahit 100 times mong sabihing ayaw mo sa kanya at wala na syang pag-asa ang sasabihin nya pa rin ay “please give me a second chance”

Mr. Romantiko

jologs ang mga paraan nya sa panliligaw. manghaharana, pakikisamahan mga barkada mo, liligawan parents mo at kahit magmukha ng TINDAHAN NG BULAKLAK ANG BAHAY NYO AT MAGKA-DIABETES KA NA ay lagi pa din s’ya may dalang flowers and chocolates tuwing dadalaw sa’yo. pero madalas nakakapagpakilig s’ya ng nililigawan nya dahil sa kanyang ‘malinis na hangarin’ aww… siguraduhin mo lang!!! =)

Thanks to this site http://pak-shet.blogspot.com.... basahin nyo pa sana ang posts nya... nakakatuwa!!!

KEsong Puti....

i just saw this on the net.. WAhahaha.... I found it cute.. hehehe...
  • Sana yelo na lang ako… na natutunaw sa bawat pagtitig mo.
  • Sana telepono na lang ako… para balang araw, ako’y may pag-asa na sagutin mo.
  • Para ka namang linta… ang lakas kasi ng kapit mo sa isipan ko.
  • Hindi ka ba nilalanggam… ang sweet-sweet mo kasi.
  • Halika na, sumama ka sa akin… do not leave your valuables unattended daw eh.
  • Anong klaseng blade ka… ang sakit naman ng sugat na iniwan mo sa puso ko.
  • Napakagaling mong band-aid… dahil nagamot mo ang nagdurugo kong puso.
  • Saktan, Itali at parusahan mo ako… dahil alipin ako ng pagmamahal mo.
  • Huwag mo akong MURA-hin… MAHAL-in mo ako.
  • Ibang klase kang cholesterol… dahil pinapataba mo ang aking puso sa pagmamahal mo.
  • Ang pagmamahal ko’y parang security guard… hindi humihinto at hindi natutulog.
  • Parang tayong mga piraso ng jigsaw puzzle… dahil akma tayo sa isa’t isa.
  • Kailanman, hindi ako naging magnanakaw… dahil ikaw pa rin ang nagmamay-ari ng aking puso.
  • Hindi man ako magaling na iskultor… pero nakaukit ka pa rin sa puso ko.
  • A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T V W X Y Z… oops, i miss U!
  • Anung klaseng muscle pain ka ba… dahil hindi na maialis ang pagtitig ko sa iyo.
  • Para sa iyo, ako si ROSA ROSAL… dahil kahit anung oras, handa kitang DAMAYAN.
  • Tinanung nila kung saan ka nakatira… ang sabi ko, ang puso ko ang bahay mo.
  • Gaano man nakakatakot ang mga multo…mas nakakatakot pa rin kapag nawala ka sa buhay ko.

Monday, April 12, 2010

My Bipolar Country

Yes, it’s the same country you live in. Now if you think you’ve come into the wrong blog site, well, I guess you’re right.. Suddenly, my body temperature shoot up to 40 degrees Celsius after realizing that I am actually writing about a national issue, because as you may see, I often write about friends and everything. I just hope this post wont crash my blogging capabilities.. haha.. Here it goes.. Count more weeks and our beloved country will be having our brand new Public Servants; new sets of possible changes, new sets of Graft practitioners or renewal of contracts of old traditional politicians. The hell, surely it will become much more difficult for the coming “Servants “to revive this ailing country. There were also threats of failure of elections, no elections and anything scary that comes to a politicians mind. ( di pa counted dyan yung mga namamatay na mga election inspectors, mga bantay sa balota.. ay.. Automated na nga pala tayo.. Still got worries kasi hindi na kayo makakapangdaya??!!)What can you get from a country like ours na 333 years na nasakop ng mga first world countries na tumatamasa sa Copy+paste na Constitution, Copy+ Paste na Culture, Copy+ Paste na Form of government??As you may have noticed, our country is suffering from a difficult level of Bipolar syndrome. Having both sides of the world to influence this country after drastic years ng captivity, what else can the future generation expect?? Let’s see..
  • Una sa lahat, after years of being under the Spanish regimen, we had their big dose of culture and the major part of it is Christianity.. Wow, that was the best part.. We also had their dose on Conservativeness. Then the English men came, we had our dose of Liberalism. Now let’s put Conservativeness and Liberalism together, what do we get?? A line of porn magazines, porn cartoons, porn videos with the head banging statements of the Church men condemning every piece of porn. Andami nating sexy stars sa showbiz... Ang daming nagpo-pose sa mga magazines.. Namigay na ng condom ang DOH, nagalit si CBCP… Hindi na Gapo ang sex den, dahil bawat part ng Pinas may sex den...
  • Next is our education system.. Even before the Spaniards came to this country, we already have teachers... Although they never thought our natives Logic, Arts, Sciences... Etc... Ngayon, they wanted to add sex education to the educational curricula of our dear elementary students. I don’t have anything against that. Una sa lahat, the kids should have the knowledge how they were brought up into this world. Well basically, the knowledge of adolescence were only the topics to be brought up in the system, why stop such a wonderful lesson to them? I have to say that in our grade four years, we were visited by a group of people from a napkin company.. They gave us a seminar about menarche, menstruation, and also a slight lesson about pregnancy. Wala namang tumawa after the seminar. LAhat nakinig ng mabuti.Siguro that was during our time. (YEAR 2000 yun.. still the Y2k decade..) Kaya ngayon, DOH don’t know how to continue on this project. It’s either they listen to what the church says or they focus on their aim to educate our youth (kasali pa ko jan? hehe) Two extremes that can result to either the best or the worst results for our education system…
  • Next is our Political System.. It was copied from the US government.. Obviously diba?? PEro we just had the worst things copied in our system.. hahahaha.. We have our 11 major political parties to choose from… and America only have two major ones (Republican and Democratic)… see the difference?? They have the so-called “Electoral College “that helps the people of United States to identify the “Only” president capable to run their country… Dito kasi sa atin, ang election for the position of te highes position in trhe government is parang sa Facebook lang... parang isang click lang, pasok ka agad as a candidate.. masyadong weak ang qualifications.. Of course, COMELEC is trying to take away all nuisance candidates that can literally cause nausea to our people.. But I think the number 0f our candidates in the elections today is really overwhelming.. Imagine.. 9 candidates ang presidentiables... 2 ang nagke-claim that they are the Opposition.. Samantalang ang nagke-claim na isang opposition, ay isang underdog ng administration... PAulit-ulit na lang lahat.. nakakasawa na ang nanalo ay ang the same faces we used to hate everytime na may election.. Ang gulo diba?? Tell me how to love this system… Hey Philippines.. di pa ba kayo nagsasawa???!!


(I’ve actually got tons of things to complain in this country… it’s just too long for my blog-layout kaya di ko na muna pahahabain…. The next entry will cover the other issues.. hahaha..)
===TIURINE17=====